Pangit Ba Ako? Bakit ‘Di Ako Crush ng Crush Ko?

Bakit Single Ka Pa Rin? (Mga Kalokohang Pinaniniwalaan Mo Tungkol sa Pag-ibig) — Kerygma Books

0
2391

Yung totoo? Pangit ba ako? Bakit ‘di ako crush ng crush ko?”

‘Yan ang madalas na tanong ng karamihan ng mga single sa akin, mapababae man o lalaki. Tuwing tinatanong ako, nahihirapan akong sumagot. Para akong nasa hot seat. I feel it’s a trap.

Kasi kapag sumagot ako ng, “Hindi ka pangit,” titingnan ako ng kausap ko nang may pagdududa at sabay sasabihin, “Hmp! Sinasabi mo lang yata ‘yan para huwag akong masaktan!” O kaya, “Nagsisinungaling ka!” at, “Binobola mo lang yata ako!”

Kapag sinabi ko namang, “Oo!” I can immediately see the sudden change in their facial expression. Sa isang iglap, yung ngiting pang-beauty queen ay biglang nagiging lukot na champoy!

All the confidence and joy on their faces are washed away by a resounding confirmation that they are indeed ugly. Thus, they feel they are unlovable and not good enough para magkagusto ang mga crush nila sa kanila.

Sabay sasabihin na, “Sabi ko na nga ba eh, tama nga ako. Pangit nga talaga ako!” Tapos maglilitanya na siya ng lahat ng kanyang insecurities sa buhay.

Patay na! Nag-self-pity na!

Ang ending, ako pa ang masama. Ako pa ang nakasakit. Ako pa ang mapanghusga. Ako pa ang may kasalanan. Ano lang ba ang ginawa ko? Sila naman ang nagpumilit sa akin na sagutin ang tanong na, “Pangit ba ako?”

Damned if you do, damned if you don’t.

Oo man o hindi, my answer will never satisfy them. Kasi, bago pa man nila ako tanungin, sinagot na nila ang tanong nila. And sadly, buong buhay na silang maniniwala na pangit sila.

‘Yun nga ba ang totoo? Kaya ka nga ba walang boyfriend o girlfriend ay dahil pangit ka?

Let me answer that with the truth.

Ang totoo: Hindi ka pangit!

Dahil walang ginawang pangit ang Diyos. In fact, sobrang ganda mo because you are made in the image and likeness of God. Ikaw, ako, tayong lahat. Tao ang pinakamagandang hayop sa balat ng lumpia, este, lupa pala!

If you will look closely at how you are made, you will see the brilliance of your Creator. Look at the symmetry and balance that are present in your body. Look at how your organs are positioned in their proper places.

If our body was a machine, it will be the ultimate well-oiled machine. Add to that our capacity to think, create, feel, and love. You can’t help but be amazed at the beauty that is in you.

You are fearfully and wonderfully made. You are beautiful. You are amazing. You are awesome!

Ikaw? Naitanong mo na ba sa sarili mo, “Pangit ba ako?”

Ano ang sagot mo?

Let us settle this once and for all: Bakit ‘di ka crush ng crush mo? Hindi ‘yun dahil pangit ka.

Paulit-ulit ba? Ganoon talaga! Ilang taon mo ring pinaniwalaan ang kasinungalingan na pangit ka, wala kang kwenta, at ‘di ka karapat-dapat mahalin.

Ulit-ulitin din natin ang katotohanang you are beautiful! You are made in the image of God.

Hindi ka pangit!

This article is an excerpt from the book, Bakit Single Ka Pa Rin? Mga Kalokohang Pinaniwalaan Mo Tungkol Sa Pag-ibig by Velden Lim. 

Featured photo by Jeffrey Ezra on Unsplash


Bakit-Single-Ka-Pa-Rin-Velden-Lim-Kerygma-Books

 “YUNG TOTOO, PANGIT BA AKO?”

Have you ever asked this question before? Sabay follow up ng, “Kung ‘di ako pangit, eh bakit single pa rin ako?” This may be the biggest question that many singles who have not yet found their partner in life are asking.

If this question is answered incorrectly, it will lead to discontent, impatience, and misery. Kaya imbis na na-eenjoy mo ang pagiging single mo, tinatrato mo ito bilang sumpa na kailangan mo nang malampasan o takasan.

SO BAKIT SINGLE KA PA RIN?

Kasi marami kang kalokohang pinaniniwalaan tungkol sa pag-ibig.

This book will bust these relationship myths and other crazy things you believed about love while growing up.

Let this book guide you not only in finding your one true love, but also in living your single life to the fullest.

This book is launching at the Manila International Book Fair at SMX Convention Center, on September 13-17, 2017. Visit Kerygma Books at booths 237-239 and get amazing discounts!

Available now at www.kerymgabooks.com/shop! Click HERE to get a copy of Bakit Single Ka Pa Rin? by Velden Lim and have it delivered right to your doorstep!


ALAMIN KUNG BAKIT SINGLE KA PA RIN!
GET YOUR COPY OF VELDEN LIM’S

BAKIT SINGLE KA PA RIN? MGA KALOKOHANG PINANIWALAAN MO SA PAG-IBIG

You don’t even have to leave the comforts of your home.
You can buy your own copies online!
Here’s how:

FOR PAPERBACK and DIGITAL versions:

  1. Visit www.KerygmaBooks.com/shop and click on the titles that you want to order.
  2. Choose PAPERBACK or DIGITAL and check out your order.
  3. Choose your payment method.
  4. Pay via bank deposit or PayPal.
    a. For bank deposit: pay your balance and upload your deposit slip at the link we’ve e-mailed to you upon placing your order.
    b. Pay directly via PayPal.
  5. For PAPERBACK: Wait for the books to be delivered right to your home! (For orders P500.00 and up, FREE shipping within Metro Manila only. Standard shipping rates apply for orders below P500.00 or outside Metro Manila.)

For DIGITAL: Wait for the confirmation of receipt of payment. The download links to your books is included in the email.

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY