Boom Nganga!
 (The Walang-Talent Feels)

0
3222

Each of you should use whatever gift you have received to serve others, as faithful stewards of God’s grace in its various forms.
– 1 Peter 4:10


Boom Nganga!
(The Walang-Talent Feels)
by Maymay Salvosa

Use what talents you possess; the woods would be very silent if no birds sang there except those that sang best. -Henry Van Dyke

May mga kilala akong parang inspirasyon ni Daniel Padilla sa kanta niya. Nasa ‘yo na ang lahat… Maganda na, agaw- atensyon pa sa galing sumayaw. Sobrang talino na, parang pinaglihi pa sa G-clef, whole note at sa buong musical staff sa galing kumanta. Pwedeng ilaban sa kahit na anong contest!

May ilan namang umaapila sa customer service desk ni Lord dahil pakiramdam nila, pinainom muna sila ng matinding pampatulog bago nagpaulan ng talents, talino at ganda ang langit. Madalas tuloy napapakanta na lang sila ng, “I did my best, but I guess my best wasn’t good enough….”

Tandang-tanda ko pa noong nasa third year high school ako, may iniyakan akong subject nang bonggang-bongga — sa classroom mismo! TLE ‘yon (Technology and Livelihood Economics), gumagawa kami ng blueprints, freestyle drawing at techniques ng painting. Kahit hilong-hilo na ako sa kaka-imagine kung ano ang itsura ng front view, top view, at kung anu-ano pang views ng isang bahay na ginagawan namin ng blueprint, keribumbumbels lang! (Keribumbumbels – ibig sabihin, sige pa, kakayanin, push. Parang gora o gorabels,gano’n.Anyway…) Parang mapipiga ko pa naman ang utak ko at masisilayan ko pa ang liwanag sa susunod na araw. Pero nang nagsimula na kaming mag- paint, especially sa mga brush stroke…

Waaaaaaahhhhhhhh!

Bakit parang ang dali lang para sa mga kaklase kong gawin, samantalang ako, napasma na kapipilit magstroke nang maganda para sa assignment namin, wala pa rin?! Nganga. Sabaw. Yung Blues Clues na ginagawa ko, mukhang may galit sa mundo. Si Garfield, naging second generation ni Kerokeropi. Yung bukid ko na dapat sunny day, parang dinaanan ng bagyo. What’s wrong with the world, momma?! Nakaka-frustrate kasi iba yung nasa isip ko sa lumalabas. Grrrr!!!

Buti na lang, to the rescue ang best friends kong sina April, Celine at Grace, pati iba pa naming classmates. My gulay, paano na lang kung hindi nauso ang mga tunay na kaibigan?!

Ang nakakatawa lang, habang pinatatahan nila ako, lumalabas yung mga hinanakit nila sa mundo (alam kong biro lang nila ‘yon, hehe. I love you, three!). Sina April at Grace kasi, parehong singers — sa banyo. Minsan nga pati sina Tatay nila, nanghuhula pa kung kumakanta ba talaga sila o kung ano yung kinakanta nila. Partida, kapamilya na ‘yon ha? Pero saludo ako sa kanila pagdating sa arts. Sa creativity. Sa pakikinig kahit sa mga pinaka-nonsense mong kwento. Sa pagiging friends-on-call. Sa pagiging mabubuting anak, kapatid at superduper na kaibigan. Sa laki ng puso nilang magmahal. Bonus pa na magaling magluto si April, at magaling makipag-communicate si Grace. Wow.

Si Celine naman, bright kid. Parang buong high school namin, hawak niya ang kaban. Dakilang tagasingil at tagapagtabi ng pondo. Treasurer siya, hindi lang dahil sa magaling sa Math, pero dahil sobrang mapagkakatiwalaan siya. Hindi marunong ma-pressure. Mahusay na leader. Ang isa pang sobrang hinahangaan ko sa kanya, kaya niyang maging matatag at magsakripisyo para sa mga taong mahal niya. At kahit malayo siya, hindi mo mararamdamang iniwan ka niya. Gano’n siya magmahal.

Na-realize kong iba-iba lang siguro talaga ang galing ng bawat tao. At hindi totoong wala kang talino o talento. Paano ko nasabi? Obviously, based on experience.

Pero para mas maniwala ka, ipakikilala ko sa ‘yo si Howard Gardner, isang psychologist. Sabi niya, meron daw tinatawag na Multiple Intelligences. Sa theory na ‘to, merong pitong kakayahan ang mga tao. Check this out at tingnan mo kung alin ka dito:

1) Visual-Spatial – Sila yung mga dakila kong sinasaludo. Magaling sila sa drawing, painting, puzzles, pagbabasa ng maps, pagpapagana ng imagination… gano’n! Madali nilang ma-appreciate at gawin ang magagandang bagay na nakikita natin.

2) Kinesthetic – Dancers, theater people, athletes. Komportable silang i-express yung sarili nila sa pagpapakilos ng katawan. Kung may kakilala kang animated magkwento at hindi nawawala ang hampas sa katabi kapag masyadong masaya, siya ‘yon!

3) Musical – Obviously, sila yung magagaling sa tunog, kanta, musical instruments. Mas effective sa kanilang magtrabaho o mag-aral pag may background music. Si Tenten, yung bunso naming kapatid, ay grabe! Ang galing sa gitara. Madali niyang natututunan yung kanta kahit walang binabasang nota. Papakinggan niya lang nang ilang beses (minsan nga isa o dalawa lang), alam na niya. Kalahi niya yung mga tao sa category na ‘to. Pero noong ako yung nag-aaral mag-gitara, habang ginagawa ko ung F#m, C#m, at iba pang ganyan, bigla kong pinagsisihan lahat ng desisyon ko sa mundo. Sa sakit ba naman sa daliri, hindi ka ba mapapaisip kung itutuloy mo pa? Gash!

4) Interpersonal – Dito bagay ang mga Mr. and Ms. Congeniality awardees! Yung tipong iwan mo lang saglit sa lugar na wala siyang kakilala, maya-maya lang ay may mga kachikahan na siya. Magaling silang makisama sa ibang tao. Team player. Coordinator. Best in understanding! Street smart. Pwedeng tumakbong pulitiko.

5) Intrapersonal – Sila ang kabaligtaran ng mga interpersonal. Mas nakakapag-isip sila kapag mag-isa lang sila, at preferred nilang magtrabaho nang walang nakatingin. Reflective silang tao kaya aware sila sa nararamdaman nila tungkol sa mga nangyayari sa paligid. Deep thinkers, kaya kahit minsan lang magsalita, siguradong may laman. Oo, friend, kung ganito ka, talent ‘yan. Masyadong gugulo ang mundo kung walang mga katulad mo.

6) Linguistic – Mahihilig magsulat, magbasa at makipagtitigan sa mga salita. Nag-eenjoy silang maging best friend ang pen and paper, at hindi sumusunod kapag sinabing 500 words lang dapat ang essay, article or book review na dapat gawin. Malamang sa malamang, laging may sobra. Habang natutulog ang buong klase sa English o Filipino lessons, buong ngiti silang nagpaparticipate. Ganern!

7) Logical-Mathematical – Next topic, please. Hehe! Eto ang mga henyo sa slopes, trigonometry at geometry. Pwede silang detective. Nag-eenjoy silang magsolve ng problem, sumagot ng abstract, at hanapin nang walang kapaguran kung ano ang value ng “x.” Ako? Nakagraduate na’t lahat, hindi ko pa rin nafa-find ‘yang “x” at “y” na ‘yan.

At kung sa tingin mo wala pa rin, heto ang ilan sa pinakaastig na kakayahang alam ko:

Pagiging mabuting kapamilya. Akala mo ba maliit na bagay lang ang magluto, magsaing, maghugas ng pinggan o maglinis? Aba naman! Hindi lahat kayang gawin ‘yon nang matino. Hindi lahat may pakialam pa sa pamilya nila.

Pagtulong sa kaibigan. Hindi lahat ng tao may tiyaga, tenga at puso para makinig sa mga nangangailangan. Hindi lahat handang magbigay ng panahon para sa mga taong malalapit sa kanila. At kung nagagawa mo ‘to, saludo ako sa ‘yo!

Pagngiti. Pagpapatawad. Pagmamahal. Mayroon kang kayang gawin!

Walang talino o talentong mas aangat pa sa pusong marunong magmahal.

Pag na-master mo ‘to, believe me, nasa iyo na ang lahat!


Muni-muni Moves:

Balikan at isulat lahat ng magagandang bagay na narinig mong sinabi tungkol sa ‘yo. Sa talents mo, sa galing mo. Isama mo na rin ang lahat ng alam mong kaya mong gawin. Walang malaki o maliit. Lahat, mahalaga. Appreciate yourself. May galing at magaling ka!

From Confused to Capable:

Dearest God, thank You for creating me the way I am. Tulungan Mo akong bigyan ng halaga kung ano ang pwede at kaya kong gawin, at hindi ikumpara ang sarili ko sa iba. Build my confidence, and may I share my giftedness to bless the world, slowly but whole- heartedly, in Jesus’ name. Amen.

 

This excerpt is taken from Status: Confused! by Maymay Salvosa
Illustration by Jewelle Villarisco


NA-WINDANG KA NA BA?

CONFUSED cover

You know, ‘yung feeling na hindi mo na alam ang gagawin mo sa buhay. Tanong nga ng isang kanta, do you know

where you’re going to?

Kung unli-questions na lang ang peg mo sa araw-araw, tulad ng…

“Bakit ba ako naging ako?”

Magshi-shift ba ako ng course? Ng career?”

“Maghihintay ba ako, magho-hold on, maglelet go?”

“Siya na ba talaga, Lord?”

“May pag-asa pa ba ako?!”

Huwag ka nang mag-alala. It’s time to say goodbye to your windang moments dahil ito na ang libro na para sa’yo! Tutulungan ka nitong malaman kung ano nga ba ang dapat mong gawin at piliin. Basahin at alamin kung paano nagwagi ang Patrona ng mga Windang sa mga confusing moments na ito. Kung kaya niya, kayang-kaya mo rin.

Panahon na para baguhin ang status mo:

From Confused to Capable
From Confused to Courageous
From Confused to Loving
From Confused to Moving On
From Confused to Trusting
From Confused to Purpose Driven
From Confused to Embraced

Game na! Magtatanong ka. Matatawa ka. Matututo ka. Pramis.


ARE YOU READY TO SAY GOODBYE TO YOUR
WINDANG MOMENTS?

GET YOUR COPY OF MAYMAY SALVOSA’S BOOK, STATUS: CONFUSED! 

You don’t even have to leave the comforts of your home. You can buy your online! Here’s how:

FOR PAPERBACK and DIGITAL versions:

  1. Visit KerygmaBooks.com/shop and click on the titles that you would want to order.
  2. Choose PAPERBACK or DIGITAL and check out your order.
  3. Choose your payment method.
  4. Pay via bank deposit or PayPal.
    1. For bank deposit: pay your balance and email your deposit slip to sales@shepherdsvoice.com.ph
    2. Pay directly via PayPal.
  5. For PAPERBACK: Wait for the books to be delivered right to your home! (For orders P500.00 and up, within Metro Manila only. Standard shipping rates apply for orders below P500.00 or are outside Metro Manila.)

For DIGITAL: Wait for the confirmation of receipt of payment. The download links to your books is included in the email.


NURTURE YOUR SOUL EVERY DAY!

  1. Kerygma Books - Nurture Your Soul Every Day!.pngVisit us at kerygmaonline.ph and read our online magazine. Enjoy fresh articles that will surely nourish, inspire, and empower you in all aspects of your life. Kerygma Online is updated weekly.
  1. Email us at kerygmaonline@gmail.com for comments, suggestions and contributions.

Photo credit: http://piccsy.com/2011/05/reading-8ozcw6p11/ through vi.sualize.us

 

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY