Mga Dapat Iwasan Para Maging Successful ang Susunod na Relationship Mo

0
3298

Keep your heart with all vigilance, for from it flow the springs of life.”
– Proverbs 4:23


Mga Dapat Iwasan Para Maging Successful ang
Susunod na Relationship Mo
By Ate Poma

 

“Saan ako nagkamali?”

Ito ang kauna-unahan mong itatanong sa iyong sarili. Sometimes, or maybe most of the time, we blame ourselves for having a failed relationship. Idagdag mo pa ang familiar line na ito, “I did my best but my best wasn’t good enough.” O sige na, kantahin mo na lang. Tapos pasuntok-suntok ka pa na akala mo ikaw si Manny Pacquiao. Tigilan mo ‘yang pasuntok-suntok mo, walang kang mapapala riyan. Mabuti pa si Manny, may kikitain sa pagsuntok, ikaw wala. Focus ka na lang sa mga meaningful na bagay sa buhay mo.

Sa panahong ito, tigilan ang pagsisi sa sarili. The truth is, there are things that will not materialize if they are not really meant for you. Failures are like the lower step in a ladder where you are being prepared so that you have the power and strength to step on to the higher level.

Ang dapat mong gawin ngayon ay maghanap ng isang kaibigan na handang makinig sa iyong nararamdaman. Sabihin mo sa kanya lahat ng bitterness, sadness at panghihinayang mo. Kadalasan ang mga babae ay talagang isinishare ito sa mga kaibigan niya ring babae. Maganda ito dahil nailalabas nila ang kanilang sama ng loob. Kailangang mailabas ang iyong sama ng loob dahil kung hindi, this will affect your spiritual and emotional stability. Katulad ito ng basura na hindi dapat manatili sa loob ng bahay dahil kapag nabulok ay mangangamoy at kapag nalanghap mo ay pwedeng sumakit ang tiyan mo. Ganoon din ang itinatago mong emotions. Pwede itong mabulok sa loob ng sistema mo at maapektuhan ang katawan mo. Pwede kang magkasakit sa puso, magka- high blood pressure, o humina ang ibang body organs mo.

Ito rin ang gusto kong linawin sa mga lalaki. Mga kuya, hindi weakness ang pag-iyak. Tanda ito ng iyong katapangan dahil inamin mo na nasaktan ka. Kung sinasabi ng kanta ay “Big girls don’t cry,” para sa akin, a matured man does cry. Para gumaan ang pakiramdam mo, pwede kang maglabas ng sama ng loob sa kapatid, ina o best friend mo. Kahit umiyak ka na tunog-baka, sige lang, kung ito naman ang makapagpapagaan ng feelings mo. Bihira sa mga lalaki ang naglalabas ng kanilang emotional struggles; karamihan talaga sa kanila ay itinatago ito. Ang iba ay idinadaan sa pag-inom. Hay, walang kwenta ito dahil nalasing ka na, sumakit na ulo mo, nagastusan ka pa. Paggising mo, andyan pa rin ang problema mo. Kaya karamihan talaga sa mga may sakit sa puso ay mga lalaki dahil sa pagkikimkim nila ng mga sama ng loob. Ayun, karamihan sa kanila ay namatay na dahil dito. Hindi naman kita tinatakot, kuya. Nagpapaalala lang. Sa totoo lang, wala sa pagpapakita na kayang-kaya mo ang lahat para masabi na isa kang tunay na lalaki. A real man is someone who is brave enough to show his vulnerability and to admit that he is still human who feels afraid and needs help from others.

It is OK not to be OK.

When you are already feeling OK, analyze your past. Balikan mo ang mga naging pagkakamali mo noong kayo pa. Naging demanding ka ba at naramdaman niya na parang wala na siyang freedom? Naging pabaya ka ba at hindi niya naramdaman ang iyong suporta at pagmamahal? Mabilis ka bang nag-assume na gusto ka rin niya? Have you gone beyond the friend zone? Do you blame him/her even with the smallest mistake? Do you feel jealous most of the time? Sumobra ba ang tiwala mo na kahit obvious na ay lagi mo pa rin siyang pinagbibigyan? Naging dominant o people pleaser ka ba? Ibinigay mo ba ang lahat at wala nang natira sa iyo? Umikot na lang ba ang mundo mo sa kanya at nakalimutan mo na may pamilya at kaibigan ka pa?

Kung masasagot mo ito ayon sa iyong konsensya, alam mo na ang dapat mong gawin at iwasan sa susunod na pakikipagrelasyon.

Mga Dapat Tandaan:

Para maging successful ang susunod na relationship mo, iwasan mo ang mga sumusunod:

  1. Huwag sirain ang buhay sa sobrang pagkain, pagtulog o pag-inom. Magiging dahilan ito ng pagkakasakit mo. Nakakasama ang lahat ng sobra. Kung mao-ospital ka, dadami pa ang gastos ng pamilya mo. Maawa ka sa mga magulang mo. Breakup lang ‘yan, hindi end of the world. Manatiling may kasama kasi baka maisipan mong mag-suicide. Kasalanan sa Diyos ang pangunahan Siya sa kung kelan ka Niya gustong kunin. Siya ang nagbigay sa iyo ng buhay, kaya Siya rin ang may karapatang kunin ito. At saka, masakit kaya ang mag-suicide. Mamamatay ka na lang, magsa-suffer ka pa. Ano ka, baliw? In short, do not destroy your life. Huwag kang mawalan ng pag-asa. God loves you. The world still needs you. Isipin mo na lamang ang mga nasa ICU sa hospital ngayon na binibili ang kanilang hininga mabuhay lang. Ikaw ngayon ay malakas at walang sakit, huwag kang engot na pababayaan na lang ang sarili mo.
  2. Huwag humanap ng bagong karelasyon para pagtakpan lamang ang tunay na nararamdaman mo. Bawal ang plastic sa panahon na ito. Kaya hindi ka pwedeng tumira sa Makati, Las Piñas at Quezon City. You cannot correct a mistake by another mistake. Huwag kang magkunwari na ang bilis mong nakamove on kung hindi naman. Hindi tamang maging user ka para lamang protektahan ang image mo. Gawain ‘to ng mga selfish na tao. Hindi ka ganoon, di ba?

Tandaan mo na ang sugat na tinatakpan ay lumalala o nagnanaknak. Ang ibig kong sabihin, kapag nakipagrelasyon ka na hindi ka pa totally healed emotionally, that relationship is bound to fail. You will suffer being in a situation that’s full of lies. Dahil ang mangyayari, lalabas at lalabas pa rin ang issues mo from the past. At kapag nagbreak kayo, panibagong sakit na naman ang papatong sa buhay mo. Kaya, maawa ka sa sarili mo, hayaan mong gumaling ka muna bago ka pumasok sa new relationship.

  1. Huwag humanap ng panibagong girlfriend or boyfriend dahil gusto mong manakit ng iba o mag-revenge. Bakit kailangan mag-suffer si Juan kung si Pedro ang may kasalanan? At hindi naman ako nag-aagree na gumanti ka doon sa taong nanloko sa iyo. At please lang ha, huwag na huwag mong sasabihin, “Pare-pareho lang ang mga babae, mga manggagamit!” o “Pare- pareho lang ang mga lalaki, mga manloloko!” Dahil hindi ito totoo. At wala ka rin namang mapapala sa plano mong manakit ng iba dahil sa iyo rin babalik iyan. Sabi nga sa Bible, “Beloved, do not look for revenge but leave room for the wrath; for it is written, ‘Vengeance is mine, I will repay, says the Lord’” (Romans 12:19).

Naiintindihan mo ba ito? Hayaan mo na ang Diyos ang gumawa ng paraan. Siya na ang magbabayad ng lahat nang nawala sa iyo. Siya ang nakakaalam ng plano Niya sa buhay mo. Lumapit ka sa Kanya at humingi ng Kanyang pagmamahal. Paano? Sundan ang pang-apat na paraan.

Pampa-boost ng Confidence 101:

Basahin nang malakas ang sumusunod na deklarasyon tatlong beses sa isang araw. Isa sa umaga, isa sa tanghali at isa sa gabi bago matulog.

Today, I accept the mistakes I did in my failed relationship. Pero hindi ito ang dahilan upang parusahan ko ang sarili ko. Daan ang pagkakamali para matutunan ko kung ano ang tama. Iisa-isahin ko ang mga dahilan kung bakit kami nagkahiwalay. Sasabihin ko ito sa Diyos para gabayan Niya ako at di ko na ulitin pa ang mga ito.

I will value myself by taking care of myself so that I can be a better person. Hindi ako gagamit ng ibang tao para pagtakpan ang tunay kong nararamdaman. Hindi ako maghihiganti sa taong naging dahilan para masaktan ako at lalong hindi ko paghihigantihan ang taong wala namang kinalaman sa problema ko. Dahil alam ko na hindi ito tamang gawin. Naniniwala ako na papalitan ng Diyos ng isandaang beses ang nawala sa akin.

Panalangin:

O Jesus, Ikaw ang daan, katotohanan at buhay. Tanglawan Mo ang buhay ko para makita ko ang mga pagkakamaling nagawa ko sa failed relationship na ito. Bigyan Mo ako ng lakas ng loob na itama ang mga ito para hindi ko na ulitin pa. Nawa’y bigyan Mo ako ng grasya na hindi ko makalimutan ang mga napakahalagang aral sa gitna ng nararanasan ko ngayon. Ayoko nang makasakit ng ibang tao. Gusto ko ngayon na ako naman ang maging dahilan ng saya ng taong makakasalamuha ko.

Ituro Mo sa akin ang mga tunay na kaibigan na handang makinig sa akin at hindi ako huhusgahan. Tatanggapin nila ako kahit nadapa ako ngayon sa buhay ko. Buksan Mo po ang puso ko na magtiwala sa kanila at maramdaman ang tunay nilang malasakit. At sa bawat oras, gabayan Mo po ako sa tamang daan na dapat kong tahakin.

Ito ang samo at dalangin ko sa ngalan ni Jesus.

Amen.

 

This excerpt is taken from #Wasak: Ang Ultimate Manual ng mga Sawi sa Pag-ibig by Ate Poma.
Photo from Pixabay.com 


 

KUMUSTA NA ANG PUSO MO?

#WASAK (Ang Ultimate Manual ng mga Sawi sa Pag-ibig by Ate PomaNahihirapan ka bang mag-move on? Feeling mo ba para kang namatayan? Alam kong mahirap, masaklap at nakakalungkot ang nararanasan mo ngayon. May pag-asa, huwag kang susuko!

Heto ang pitong paraan para mag-heal at maka-move on ka na:

  • Tanggapin ang Katotohanan
  • Space at Time ang Solusyon
  • Matuto sa Pagkakamali
  • Makipagrelasyon sa Diyos
  • Tumulong sa Iba
  • Mahalin at Pahalagahan ang Sarili
  • Magpatawad at Magpasalamat

Maraming mahahalagang tips at panalangin sa loob para tulungan kang makamove-on Gusto mo na bang lumaya sa sakit ng nawasak mong puso?

Promise? Panahon na para lumaya ka. Basahin mo ito ngayon!


HANDA KA NA BANG PULUTIN AT BUUIN MULI ANG PUSO
MONG NAWASAK?
 

GET YOUR COPY OF ATE POMA’S BOOK,

#WASAK: Ang Ultimate Manual ng mga Sawi sa Pag-ibig

Malapit na malapit na sa www.KerygmaBooks.com/shop at sa lahat ng leading bookstores nationwide. Abangan!


Kerygma Books - Nurture Your Soul Every Day!.pngNURTURE YOUR SOUL EVERY DAY!

  1. Visit us at www.KerygmaBooks.com and read our online magazine. Enjoy fresh articles that will surely nourish, inspire, and empower you in all aspects of your life. Kerygma Books is updated weekly.
  1. Email us at editor.kerygmaonline@gmail.com for comments, suggestions and contributions.

Photo credit: http://piccsy.com/2011/05/reading-8ozcw6p11/ through vi.sualize.us

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY